LIBERIAN TIMBOG SA FAKE DOLLAR

fake dollar

MAYNILA – ARESTADO ang isang Liberain national nang mabisto sa mga bitbit na pekeng dolyar sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI).

Iniharap sa media ng NBI ang suspek na si George Kennedy.

Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek sa reklamo ng complainant na nagpakilala umanong   technician na dalubhasa sa palitan ng currency ng  US dollars  at recipient umano ng bagahe na naglalaman ng USD 2 milyon na napigil sa airport.

Pahayag umano ni Kennedy na naglagay ito ng kemikal sa nasabing mga dolyar upang  hindi madetek ng mg awtoridad sa paliparan.

Dito na kinausap ng suspek ang complainant na magbigay ito ng  P134,000 kapalit ng iniwang suitcase, bag, at  nakaselyong  plastic container bilang patunay na hindi siya niloloko nito.

Ipinakita rin umano ng suspek kung papaano maging US dollars ang mga black bills.

Nang buksan ng complainant ang nakaselyong plastic, nakita nitong walang dolyar  na nakalagay  kaya agad siyang nag-report sa NBI-SAU.

Muli umanong nanghingi ng P20,000  ang suspek upang makuha ang iba pang black bills  sa airport  na magiging US dollars .

Nakipag­kasundo ang suspek sa complainant na magkita sila sa isang fast food chain sa Macapagal  Boulevard sa Parañaque City kung saan ikinasa ang entrapment operation at ikinaaresto ng suspek.

Isasalang sa inquest proceedings ang suspek sa Parañaque  City Prosecutor dahil sa paglabag  sa  “Illegal possession  and use of false treasury or bank  notes  and  other instruments of credit.” PAUL ROLDAN

Comments are closed.