Ngayong buwan ng Setyembre, isa sa pinakamakasaysayang buwan ng taon para sa mga Filipino, hayaan ninyong dalhin namin kayo sa nakaraan – sa panahong idineklara ang Martial Law, natapos ito, nagkaroon ng People Power Revolution, napatalsik ang mga Marcos, namatay ang dating pangulong Ferdinand Marcos, at iginiit na mailibing siya sa Libingan ng mga Bayani na mahigpit na tinutulan ng mga anti-Marcos.
Matapos ang mahabang panahon ng pakikiusap at paninindigan, sa wakas, natupad din ang kahilingan. Anim na taon na ang nakararaan nang pahintulutan ng Korte Suprema na mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani. Subalit hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi maka-move on sa naging desisyon ng Korte. Para sa ilan, marapat lamang na ilibing ang dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani, dahil ito naman ay talagang itinayo para sa mga sundalo at dating pangulo. At hindi nga ba naging sundalo at pangulo si Ferdinand Marcos. Subalit para sa mga naging biktima ng Martial Law, isa itong paglapastangan sa alaala ng kabayanihan ng mga nakalibing dito.
Ngunit ano nga ang tunay na dahilan kung bakit pumayag ang mga Hukom sa kabila ng panawagan ng iba’t ibang sektor na huwag itong gawin? Bagamat 9 na hukom ang pumayag sa desisyong ito, hindi naging madali ang paghusga. May limang nagpahayag ng pagtutol. Ngayon ay unawain natin ang naging dedisyon.
Simulan natin sa pinakapuno’t dulo ng usaping ito. Ang desisyon ni Pangulong Duterte ay malinaw na isang kilos pampolitika. Ayon sa Korte Suprema, hindi awtomatikong nagkakaroon ng legal na kahulugan ang mga desisyong pampolitika ng isang pinuno. Ayon pa sa desisyon, bagamat nakilala ang kaniyang pamumuno sa korapsiyon at paglabag sa karapatang pantao, hindi rin natin maaaring ipagkait sa kanya ang pagkilala na minsan siyang naging Pinuno ng Sandatahang Lakas. Tulad nga ng nasabi na, mismong batas na nagtatag ng Libingan ng mga Bayani ang nagsabi kung sino ang maaaring ilibing dito. Kasama na nga sa listahan ang mga dating sundalo at dating pinuno.
Ayon sa mga humiling sa Hukuman na huwag itong payagan, isa itong “pagbabayad-utang” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naitulong sa kaniya ng mga Marcos, ngunit alam naman nating mahirap bayaran ang “utang na loob,” dahil ang “utang na loob” ay walang katapusan. Mahirap sabihing ito ang dahilan ng naging desisyon ng pangulo. Sa totoo lang, maaaring sabihing isa itong hakbang upang magkaroon ng pambansang paghilom, sapagkat muling mararamdaman ng mga loyalista kay Marcos na napakinggan ang kanilang panig.
Hindi rin napatunayan ng mga naging biktima ng karapatang pantao na may direktang epekto ang paglilibing na ito sa kanilang buhay. Bagamat kinikilala ng Korte Suprema ang desisyong ito ay hindi makapagpapasaya sa kanila, hindi nila mapatutunayang ito ay makapagbabalik ng alaala ng kanilang naranasaan noong panahon ng batas militar sa antas na hindi sila makakikilos nang maayos sa lipunan. Para maging mas malinaw, isipin nating ibabalik ng pamahalaan ang batas na walang taong maaaring lumabas sa lansangan kapag alas-12 na ng hatinggabi. At upang ipatupad ito ay may mga armadong sundalo ang magpapatrulya sa halip na mga kawani ng baranggay. Sa ganitong sitwayson, maaaring sabihin na nakapagdudulot ito ng takot tulad noong panahon ng batas militar. Subalit, ang katotohanan ay naroon lamang si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Kung ayaw mo siyang makita, madaling iwasan ang lugar na ito.
Sabi naman ng ilan, ang katotohanang may salitang “bayani” sa pangalan ng libingan ay sapat na upang huwag ilibing dito si Pangulong Marcos. Subalit hindi trabaho ng Hukuman ang magpasya ukol sa damdamin ng mga tao. Malinaw na ang gawain ng Hukuman ay magdesisyon kung ang isang pagkilos ay may nalalabag na batas o wala. Sabi nga, hindi lahat ng mga bagay na legal ay moral. Halimbawa, alam nating lahat na taliwas sa moralidad ang pagkitil sa buhay ng tao. Subalit may mga bansang nagsabatas ng parusang kamatayan. Sa ganitong pagkakataon, hindi trabaho ng Korte na sabihing “hindi sang-ayon sa moralidad” ang pagkitil ng buhay ng akusado, kundi kung sang-ayon sa batas ay maaari ngang ipag-utos ng estado ang pagkitil sa kaniyang buhay.
Sa madaling sabi, maaari lamang pagbawalan ng Hukuman si Pangulong Duterte kung may gagawin siyang ilegal. Sa pangyayaring ito, bagamat maraming damdamin ang bumubuhos, masasabing hindi naman ilegal ang naging desisyon niya. Sa katunayan pa nga ay may mga batas na sumusuporta rito. Tunay ngang may ilang naniniwalang hindi ito dapat dahil sa lahat ng mga kaalamang mayroon tayo ukol sa panahon ng Batas Militar ngunit nananatili ang tanong, “anong batas ang malalabag ng desisyong ito ng Pangulo?”
Naging matunog ang pangalan ni Associate Justice Marvic Leonen sa pagtutol sa naging desisyon ng Korte Suprema ngunit nanaig pa rin ang batas. Ayon sa Korte Suprema, awtomatikong nagiging bayani ang isang taong nagtanggol sa kanyang bayan. Kung hindi man ikokonsidera ang pagiging dating pangulo ni Marcos, hindi maitatatwang ipinagtanggol ni Marcos ang bayan sa pamamagitan ng pagiging sundalo.
Kung tungkol naman sa “Pambansang Paghilom,” nakakamit ito sa pamamagitan ng pagpapatawad. Wala rin umanong kinalaman ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa mga kasalanang ibinibintang sa kanya, lalo pa at nasa proseso na ang lahat.
Sa huli, tunay namang kailangan natin bilang isang bansa ang magkaisa. Tanging ito lamang ang paraan upang magpatuloy ang pag-unlad ng ating bansa. Ngunit kung ikaw ang tatanungin, ano nga ba ang epekto nito sa atin bilang isang bansa at bilang mamamayan? Nawa, ang pagkakaisa at paghilom ay isa sa ating maging gabay sa paghalal ng mga bagong opisyal sa susunod na taon.
I have been looking for articles on these topics for a long time. safetoto I don’t know how grateful you are for posting on this topic. Thank you for the numerous articles on this site, I will subscribe to those links in my bookmarks and visit them often. Have a nice day
97696 660234Very nice design and fantastic content material , nothing else we want : D. 955624