LIBO KATAO LUMAHOK SA ‘GO NEGOSYO 3M ON WHEELS’

LIBO-LIBONG taga-Valenzuela City ang lumahok sa Go Negosyo 3M on Wheels na ginanap sa SM City Valenzuela, Barangay Karuhatan, kasabay ng pagdiriwang ng 400th founding anniversary ng Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela City Mayor WES Gatchalian, ang Go Negosyo 3M (Mentorship, Money, Market) on Wheels ay inorganisa ng Go Negosyo Foundation na naglalayong palakasin ang negosyo ng mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).

Maglalaan ng networking opportunities at resources sa mga negosyante at ibibida ang kanilang mga produkto.

Kilala si Mayor WES na sumusuporta sa mga local businesses para lumago kaya nakipag-ugnayan na rin sa ilang mga entrepreneurs para maipakilala ang kanilang produkto at magtulungan na i-promote ito sa tulong na rin ng Go negosyo.

“Ako po ay naging guest speaker for Go Negosyo noong February, at nakita ko po doon kung paano naging matagumpay ang 3M on Wheels, Kaya naman po, ipinakiusap ko na sana ay dalhin ito sa Valenzuela dahil naramdaman ko po yung interes ng mga tao sa ganitong klase ng mga event lalong lalo na para sa mga bagong negosyante,” ayon sa alkalde.

Dagdag pa nito, “I am very proud to say na Dito po sa Valenzuela, maliit man, micro, small or medium enterprise ay lahat po madaling makapag bubukas ng negosyo, dahil lahat po dito ay digitalize na, ang ating Galing Pook awardee na paspas permit, within a few clicks makakakuha ka na ng permit.”

Napansin din nito na karamihan sa mga negosyante ay mula sa younger generation at naniniwala sa maitutulong ng GO Negosyo na makapagbigay ng trabaho at kaalaman sa pagnenegosyo at hindi na mag-isip na mag-abroad.

Mayroong 2,000 ang nagsangguni na sa Go Negosyo 3M on Wheels at naglaan pa sila ng ideal platform for entrepreneurs to network, exposure at malaman ang mga gagawin sa mundo ng pagnenegosyo. VICK TANES