PINANGUNAHAN ni re-elected Senator Cynthia Villar ang pagdiriwang ng 6th Las Piñas Food Festival na nilahukan ng libo-libong katao na nagtungo sa Villar SIPAG Hall sa Pulang Lupa Uno.
Malugod na tinanggap ni Villar, managing Director ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG), ang mga bisita at kalahok sa taunang pagdiriwang na nagpakita sa culinary heritage ng siyudad at world-class cooking skills ng mga Las Piñeros
“We are very glad that this food Festival has become a yearly event for the City and nearby areas not only to promote our local delicacy, but also to promote our advocacy for safe and nutritious food,” ayon kay Villar.
Dumalo rin sa pagdiriwang ang anak ng senador na si Las Piñas Congresswoman-elect Camille Villar.
Bilang bahagi ng food Festival, nagkaroon ng cooking competition na nilahukan ng 20 barangay ng siyudad. Nagprisinta ang bawat team ng isang ulam at isang minatamis na nagpahayag sa temang “Cook Healthy, Eat Happy.”
Ang Grand Champion ay ang Barangay Pamplona Uno na nag-uwi ng P20,000 cash, samantalang ang 1st place winner ay ang Barangay Talon 4 na tumanggap ng P15,000 at ang 2nd place winner ay ang Brgy. Daniel Fajardo na nag-uwi ng P10,000 cash.
Nagkaroon din ng patimpalak sa urban gardening na may tatlong kategorya. Ang nagwagi sa Inter Barangay ay ang BF International CAA, sa Inter Homeowners Association ay ang Castellan Classic Talon 2, at sa Inter School Champion ay ang Las Piñas East National High School. Ang nanalo sa bawat kategorya ay nag-uwi ng P50,000. Samantalang nagbigay naman ng special award sa Barangay Talon 4 na nag-uwi ng P20,000.
Itinampok din sa festival ang food retailer fair kung saan isinulong ng micro at small enterprises mula sa Las Piñas at mga karatig-lalawigan ng Cavite, Muntinlupa, Pasay at Quezon City ang kanilang mga produkto at serbisyo.
Comments are closed.