LIBO-LIBONG DEBOTO DAGSA KAY FR. PIO

Saint Padre Pio

MAHIGIT sa 10,000 deboto ang tinatayang dumagsa sa Manila Cathedral upang masilayan ang ‘incorrupt’ heart relic o hindi naa­agnas na puso ni Saint Padre Pio.

Batay sa tala ng Manila Police District (MPD), 1:00 pa lamang ng madaling araw ay nakapagtala na sila ng 5,000 deboto na dumagsa sa Manila Cathedral, sa Intramuros, Manila.

Dumoble pa ang naturang bilang at umabot ng mahigit 10,000 kinatanghalian.

Habang isinusulat ang balitang ito ay dagsa pa rin ang mga taong nais na sumilay sa heart relic, na nakatakdang ilipat sa Cebu ngayong araw.

Samantala, pinaka­aabangan naman ng mga taga-Cebu ang pagbisita sa kanilang lugar ng heart relic, na ina­asahang darating sa Cebu ganap na 11:00 ng umaga at dadalhin sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Pangungunahan naman ni Cebu Archbishop Palma ang ‘welcome mass’ na susundan naman ng ‘veneration’ para sa mga deboto ni Padre Pio.

Ayon kay Cebu Auxiliary Bishop Oscar Jaime Florencio, ang pagkakaroon ng kapayapaan, pagwawakas ng karahasan at patayan, ang kanilang hiling kay St. Padre Pio.

Bukod sa pagbibigay galang sa ‘incorrupt heart’ ni St. Padre Pio, magkakaroon din ng vigil at katesismo para sa mga deboto.

Inaasahang mananatili sa Cebu ang heart relic hanggang sa Oktubre 14. ANA ROSARIO HERNANDEZ