LIBO-LIBONG FOREIGN SEAFARERS PINAUWI NG BI

Alnazib Decampong

TINATAYANG aabot sa 10,000 ang bilang ng mga dayuhang pinabalik ng Bureau Immigration (BI) sa kanilang mga bansa mula nang sumailalim ang Pilipinas sa enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng COVID-19.

Ayon sa report ng BI ang mga dayuhang ito ay ang mga tripolante ng mga cruise ship na-stranded  sa Manila Bay simula ng mag-lockdown ang Metro Manila dahil coronavirus pandemic.

Batay sa report na ipinarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI Seaport Ope­rations Chief Alnazib Decampong, nasa 9,854 ang bilang ng alien seamen ang kanilang napaalis sa bansa.

Ayon kay Decampong, ang mga seafarers na ito ay ihinatid ng kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para makasakay sa kanilang mga flight schedule pauwi sa  kanilang bansa.

Dagdag pa nito, pinababa sa barko ang mga natu­rang crew matapos mag-undergo ng RT-PCR swab tests na isinasagawa ng Philippine Coast Guard personnel at negatibo naman ang mga ito sa COVID-19.

Bukod sa mga dayuhang seaman, mahigit din sa 19,300 Filipino seamen ang mga napauwi sa kanilang mga pamilya matapos magnegatibo sa swab testing ng PCG .

Batay sa record, mula buwan ng Abril umabot na sa 30,000 Filipino at foreign crews  ng 57 cruise ships na na-stranded sa Manila bay ang binigyan ng pahintulot para makauwi sa kanilang mga pamilya.

Ayon pa kay Decampong, apat na barko o cruise ang kasalukuyang naka-anchored sa Manilla bay, at nag-aantay ng permiso o signal ng pamahalaan para sa kanilang paglalayag pauwi sa kani-kanilang mga bansa. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.