LIBO-LIBONG KRISTIYANO, MUSLIM NAGMARTSA PARA SA PAGKAKAISA

Solidarity Walk

UMAABOT  sa  3,000 Kristiyano at Muslim ang nakiisa sa Solidarity Walk na isinagawa sa Quezon City kahapon ng umaga upang ipakita ang pagkakaisa sa pagkondena sa kambal na  pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral noong nakaraang linggo.

Nagsimula ang solidarity walk na may temang “Lakas Tungo sa Kapayapaan, Iwaksi ang Karahasan” sa East Avenue na nilahukan ng tinatayang 2,000 Kristiyano habang sa Philcoa naman ay mayroong 1,000 Muslim.

Matapos ang martsa ay nagsalubong ang dalawang grupo sa Quezon Memorial Circle na nagkapit-kamay at nagyakapan.

Pansamantalang isinara sa mga motorista ang ilang bahagi ng Elliptical Road para bigyang-daan ang programa.

Ikinalat din ang  pu­wersa ng pulis at sundalo sa solidarity walk para matiyak ang seguridad sa lugar.

Dumalo sa pagtitipon sina National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace president Datu Basher Bong Alonto at iba pa.     PAULA ANTOLIN

Comments are closed.