LIBO-LIBONG rice farmers ang nakinabang nang sumailalim ang mga ito sa pagsasanay at naabot ng information campaign na ipinapatupad ng Rice Competitiveness Extension Fund-Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) mula nang lagdaan ang Rice Tariffication Law noong 2019.
Ayon kay Karen Eloisa Barroga, vice-chair ng Technical Working Group ng RCEF-RESP, mas marami nang farmers at trainers ang naturuan ng mga extension services.
Ngayong 2021 aniya, sisiguraduhin ng ahensiya na palalawakin pa ang mga inisyatibo nito upang bigyan ang mga mag-sasakang Filipino ng tamang impormasyon ukol sa mga pamamaraan at teknolohiyang makapagpapababa ng gastusin at makapagpapataas ng ani ng palay.
Sa ilalim ng RCEF-RESP, mga 1,600 na ang dumaan sa pagsasanay sa iba’t ibang rehiyon ng bansa sa rice crop production, modern rice farming techniques, seed production at farm mechanization.
Kabilang sa mga trainee ang rice farmers, mga may-ari ng sakahan, kanilang tauhan at mga empleyado ng pamahalaan mula ATI, TESDA, at mga provincial agricultural offices.
Nabatid na apat na klase ng pagsasanay ang ipinatupad alinsunod sa layuning tumaas ang ani at kita ng mga rice farmers.
Para sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice), kabilang sa mga training na ito ang Rice Specialists’ Training Course, Training of Trainers, Farmers Field Schools, at seminars o field days.
Kaakibat ng PhilRice ang Agriculture Training Institute (ATI) at Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagpapatupad ng mga nasabing training.
Sa pag-aaral ng DA-PhilRice, 97 porsiyento ng 3,500 rice farmers na tumanggap ng leaflets at nanood ng videos ukol sa seed distribution ang nagsabing nakatulong ang nasabing mga materyales sa paglawak ng kanilang kaalaman sa rice production.
Ayon kay Barroga, mas tutuunan ng pansin ng RCEF-RESP ang mga paksa tulad ng land levelling, crop establishment, nutrient management, at pest management sa susunod na mga buwan upang mas umunlad ang sektor ng rice farming sa bansa. BENEDICT ABAYGAR, JR.
49760 121672A really exciting examine, I may possibly not concur entirely, but you do make some actually legitimate points. 375306