(Libo-libong OFWs makikinabang)WAGE HIKE SA TAIWAN

LIBO-LIBONG overseas Filipino workers (OFWs) ang makikinabang sa wage hike order na inilabas ng Ministry of Labor (MOL) ng Taiwan kamakailan, ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople.

Sa ilalim ng wage order, ang minimum monthly at hourly wages ay tataas ng 4.55% at 4.76%, epektibo January 1, 2023.

Sa sandaling ipatupad, ang monthly minimum wage ay tataas sa NT$ 26,400 (P48,994.70) mula NT$ 25,250 (P46,860.40) habang ang basic hourly rate ay magiging NT$176 (Php326.63) mula NT$168 (P311.78).

“We welcome this development as this would greatly benefit our kababayans working in Taiwan, most especially those in the manufacturing sector,” sabi ni Ople.

Hanggang July 2022 ay may 147,853 Filipino workers sa Taiwan kung saan 21,756 dito ang factory workers.

Inaasahan namang madadagdagan ng 20,000 ang OFWs sa Taiwan sa Disyembre.