LIBO LIBONG PASAHERO APEKTADO SA MAINTENANCE WORK NG CAAP RADAR SYSTEM

NAIA

APEKTADO  ang libo-libong pasahero ng local at international carriers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), upang bigyang daan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa gagawing maintenance work ng kanilang radar system mula Mayo 3 hanggang Mayo 17, 2023.

Kaugnay nito ay magbibigay ang bawat airline ng kanilang updates sa flight schedule adjustment, mula 30 minuto hanggang dalawang oras na delay upang bigyang daan ang scheduled works sa radar system ng gobyerno.

Hinihingi ng mga ito ang kooperasyon ng riding public.

Kasabay nito ay magi-isyu ang CAAP ng Notice to Airmen (NOTAM) upang ipagbigay alam sa publiko ang gagawing corrective maintenance activity ng Philippine Air Traffic Management Center (ATMC), Automatic Voltage regulator (AVR), replacement ng Uninterruptible Power supply (UPS) at ang upgrading ng Air Traffic Management System Flight Information Region FIR).

Batay sa report ng CAAP, suspendido ang ilang flights mula alas 2:00 hanggang alas 4:00 ng madaling araw sa Mayo 3 at alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 6:00 ng hapon sa Mayo 17, 2023. FROI MORALLOS