LIBO-LIBONG PEKENG GAMOT NASABAT

PATONG-PATONG na kaso ang kinakaharap ng isang 29-anyos na online seller matapos na naaresto ng Manila Police District (MPD) dahil sa pagbebenta at pagtatago ng mga pekeng gamot sa Sta Cruz, Manila nitong Huwebes ng hapon.

Kasong paglabag sa RA 8203 (Special Law on Counterfeit Drugs), RA 7394 (The Consumer Act of the Philippines), RA 9711 ( Food and Drugs Administration Act of 2009), Manila City Ordinance No. 8331( Omnibus Revenue Code for operating without business permit) ang kinakaharap ng suspek na si Monique Gamboa y Tanada, dalaga ng No.1367 Bangbang St., Tondo, Manila.

Ang pagkakaaresto kay Gamboa ay bunsod sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno kay MPD-District Intelligence Division-Special Mayors Reaction Team (DID-S.Ma.R.T.) PLtCol Rosalino Ibay Jr. na magsagawa ng imbestistigasyon sa sumbong na ilegal na gawain ng suspek.

Katuwang sina Maj Joseph Jimenez, Station 2 Chief Intelligence Branch together with Manila Bureau of Permits and Lisencing Office (BPLO) Eduardo Quintos XV, dakong ala-1:30 NG hapon nang isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Narekober sa suspek ang walong daan na kahon na may laman na 18,000 na tableta ng pekeng bio flu na gamot, isang kahon na pekeng gamot na Neozep at dalawang kahon na rapid antigen test kits.
PAUL ROLDAN