LIBO-LIBONG PINOY SA U.S. NANGANGANIB MA-DEPORT

NANAWAGAN si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez sa mga ‘TNT’ na Pinoy sa Estados Unidos na kusang umalis bago pa man ang ina­asahang crackdown ng inco­ming Trump administration sa mga illegal immigrant.

Ayon kay Romualdez, tinatayang nasa 250,000 hanggag 350,000 na mga Pilipino sa US ang walang mga legal na papeles at nanganganib ma-blacklist o ma-deported sakaling ituloy ni President-elect Donald Trump ang kanyang pangakong mass deportation para sa undocumen­ted immigrants.

“My advice to many of our of our fellowmen who actually are still here but cannot get any kind of status, my advice is for them not to wait to be deported, because I can see that the administration of President Trump is really going to be very strict with the immigration policy that he intends to put in place,” ayon kay Romualdez.

Babala ni Romualdez, ang isang foreign national na na-deport ay hindi na makababalik sa US.

Kung kusang aalis ang isang undocumented national ay laging may oportunidad o tsansa na makabalik ito sa tamang panahon basta sumunod lamang sa mga tuntunin at regulasyon ng bansa.