LIBO-LIBONG RESIDENTE LUMIKAS SA ALBAY

Lumikas

Samantala, inilikas na ang libo-libong residente sa bayan ng Gui­nobatan sa Albay na nasa lahar prone areas dahil sa banta ng bagyong Tisoy.

Pahayag ni Mayor Ann Gemma Onjoco, kabilang sa mga inilikas ang mahigit sa 1,000 pamilya o tinatayang nasa 3,500 na mga indibiduwal na naninirahan sa paanan ng bulkang Mayon.

Kabilang sa mga ito ang buong barangay ng Maninila, Tandarora at partial ng Muladbucad Grande at Barangay Maipon.

Bukod dito ay ipinag-utos na rin ng alkalde sa mga punong barangay ang localized evacuation para sa iba pang residente na nasa landslide at flood prone areas.

Dagdag pa ni Onjoco na nakahanda na rin ang relief goods na ipapamahagi sa naturang evacuees kaya walang dapat alalahanin ang mga ito.

Matatandaan na daan-daang mga residente ang namatay sa naturang bayan sa pananalasa ng bagyong Reming noong 2006 matapos dumausdos ang lahar mula sa bulkang Mayon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.