NAGING matagumpay ang isinagawang ‘Mega Job Fair’ kamakailan sa Malabon Sports Complex.
Ito ang ipinagmalaki ni City Mayor Jeannie Sandoval.
Ayon kay Sandoval, ang job fair ay dinaluhan ng mga kababayan natin na naghahanap ng trabaho.
Sinasabing halos 10,000 trabaho ang binuksan mula sa 52 kompanyang sumali sa nasabing event. Kaya labis ang pasasalamat ng alkalde sa lahat ng mga naging bahagi ng job fair.
Lahat ng iyon ay para sa kanyang constituents. Nais ni Sandoval na lahat ay aahon at walang maiiwan.
Ganyan kamahal ni Sandoval ang kanyang nasasakupan. Kaya lahat ng mga puwedeng pagkalooban ng tulong ay tinutulungan nila.
“Patuloy po tayo sa pagbibigay ng trabaho upang matulungan kayo na makaahon sa inyong kalagayan. Hindi po kayo nag-iisa, kasama n’yo po ako sa pag-unlad ng pamumuhay ng bawat isa. Sa pag-ahon ng Malabon, walang maiiwan!” mensahe ni Sandoval sa kanyang mga constituents.
Kamakailan din, namahagi ng ayuda si Mayor Sandoval para sa mga matatanda sa lungsod.
Nasa 1,700 senior citizens ang nabiyayaan ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.
“Naipamahagi po natin sa 1,700 nating nakatatanda ang kanilang Senior Citizen Payout sa Malabon Sports Complex.
Nakakatuwa pong makita na patuloy ang pagkalinga ng ating lungsod kina lolo at lola bilang bahagi ng ating misyong maihatid ang pantay-pantay na pag-ahon para sa lahat ng taga-Malabon. Maraming salamat at nawa’y makatulong po ito sa inyong mga pangangailangan,” wika pa ng masipag na lady mayor.
Kaya ramdam na ramdam na sa lungsod ng Malabon ang “bagong buhay, bagong pag-asa.”
Mabuhay po kayo, Mayor Jeannie Sandoval, at God bless!