LIBONG ARMAS NG MGA KALABAN SINIRA NG AFP

PINANGUNAHAN nina Armed Forces chief of staff General Jose C Faustino Jr, General at Philippine Army Commanding General Lt.Gen Andres Centino ang pagwasak sa libong baril ng mga kalaban ng pamahalaan sa area ng 4th Infantry at 6th Infantry Division.

Sinaksihan ni AFP Chief of staff General Jose C Faustino Jr, ang ginanap na ceremonial demilitarization ng may 316 firearms na nahuli,nakumpiska, isinuko at nabawi sa engkuwentro ng mga tauhan ng Philippine Army 4th ID sa pamumuno ni Major Gen. Romeo Brawner sa Alcoseba Hall, Headquarters ng 4ID sa Camp Evangelista, Brgy Patag, Cagayan de Oro City.

Si Faustino ay nagsagawa ng kanyang farewell visit sa Headquarters ng 4ID/Joint Task Force Diamond (JTFD) na pinagkalooban ng Full Military Honors ng mga Officers at Enlisted Personnel JTFD.
Sinaksihan naman ni Army Commanding General Lt. Gen. Andres Centino ang ceremonial demilitarization ng mga armas na nahuli, nasamsam, sinuko at nabawi sa 6th Infantry Division (6ID) headquarters sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nabatid na ang ceremonial demilitarization ay tampok sa selebrasyon ng 6ID’s 34th founding anniversary ang pangunahing infantry division ng Philippine Army sa Central Mindanao.

Pinapurihan ni Centino ang mga tauhan ng 6ID sa pangunguna ni Maj. Gen. JuvyMax Uy para sa isinukong 86 high-powered at 94 low-powered loose firearms at pagkakahuli sa may 79 assorted firearms, 291 anti-personnel mines, at explosives mula sa kamay ng mga kalaban ng estado.

Ang demilitarization ay pagwasak sa mga armas sa pamamagitan ng “cutting” o pagpuputol putol ng mga baril gamit ang circular saw upang matiyak na walang mapapakinabangan piyesa o bahagi na maaring magamit para makabuong muli ng isang baril gayundin ang mga nalalabing metal parts ng demilitarized CCSR firearms ay susunugin. VERLIN RUIZ