LIBONG MGA DAYUHAN NAIPA-DEPORT NG BI SA 2022

Bureau-of-Immigration

UMAABOT  sa 1,300 mga dayuhan ang ipina-deport ng pamunuan ng Burreau of Immigration (BI) noong nakaraang taon.

Batay sa talaan ng ahensiyang ito, nangunguna sa mga deportee ang 1,104 Chinese national, sumunod ang 87 South Korean national, 39 Vietnamese, 19 Americans at 12 Nigerian nationals.

Karamihan sa mga ito ay lumabag sa kondisyon na ipinagkaloob ng BI sa kanilang paninirahan sa bansa kabilang ang pagiging overstaying, o hindi pagre-renew ng kanilang mga visa at pagiging arogante habang nasa Pilipinas.

Sa kabila ng ipinatupad na travel restriction ng pamahalaan at hindi naging alintana upang pagtuunan ng pansin ang mga ito ng kanilang mga tauhan. Froilan Morallos