LIBONG OFWs APEKTADO NG SAUDIZATION

SAUDIZATION

RIYADH – LIBONG overseas Filipino Workers (OFWs)  ang apektado ng Saudization sa Saudi Arabia.

Ayon sa anunsiyo ng nasabing bansa, 35 skill categories ang hindi bibigyan ng residence permit renewal o Iqama.

Kabilang sa maapektuhang trabaho ay ang pharmacists, security guards, at office emplo­yees na nagtatrabaho bilang human resources.

Sa kalakaran, dalawang taon nabibigyan ng residence permit ang mga dayuhang nagtatrabaho roon.

Maging ang nasa Saudi na ay pinangangambahang hihigpitang mabigyan ng residence permit.

Ang Saudization  ay program policy  ng labor ministry ng Saudi Arabia na bawasan ang foreign workers upang mabigyan ng trabaho ang kanilang kababayan. EUNICE C.

Comments are closed.