PHNOM PENH– TINULUNGAN ng Filipinon community ang mga kababayang manggagawa na aabot sa libo ang bilang mula sa pagka-kaipit sa lockdown bunsod ng COVID-19.
Ayon sa SAMAPI (Samahan ng mga Pilipino), sinimulan nila ang tulong sa pag-aambag ng salapi para ibigay sa mga kababayan nawalan ng hanapbuhay dahil sa lockdown.
Tinulungan din sila para sa pagpapauwi na nasa 200 OFWs na ngayon ay naghihintay na lamang ng direktiba sa Philippine Embassy.
Nabatid na wala ring ulat na mayroong Pinoy na nagpositibo sa COVID-19.
Ang SAMAPI ay mayroong 2,000 na binuo noong Abril 2011. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.