BAGO sumapit ang Mahal na Araw, dumagsa ang libu-libong mananakay sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sinabi ni PITX corporate affairs head Jason Salvador, mas dumami ang bilang ng mga mananakay sa terminal kumpara bago magkaroon ng pandemya.
Ayon kay Salvador, simula pa noong nakaraang linggo ay nakakaranas na ng napakataas na volume ng mga pasahero sa PITX na tinatayang nasa 91,000 mga commuters kada araw at sa ilang mga araw pa ay posibleng papalo ito sa mahigit 100,000.
Nabatid pa sa naturang opisyal mas higit pa aniyang tataas ang bilang ng mga pasahero sa darating Miyerkoles at Huwebes Santo.
Ayon kay Salvador, maaari pang dumami ang mga magbibiyahe pauwi sa mga probinsiya.
Paalala ni Salvador sa mga pasahero na iwasang kumain o tumanggap ng tawag habang nagbibiyahe upang hindi nila kailangan ibaba ang kanilang mga face mask at pananatilihin aniya nilang ipatupad ang health protocol. LIZA SORIANO