INIHAYAG ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakahanda na itong magtalaga ng 4,690 na opisyal at mga tauhan sa lansangan para matiyak ang kaligtasan ng publiko tuwing Semana Santa at summer holidays.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), ang 4,690 pulis ay ipapadala sa mga lansangan at iba pang pangunahing lugar sa Metro Manila dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga bakasyunista sa gitna ng Lenten season at nalalapit na summer break.
Gayundin, ang 7,738 tauhan mula sa Metro Manila Development Authority, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Special Action Force, Regional Highway Patrol Unit, Regional Maritime Unit, at Aviation Security Group ang naka-standby para mapalawak ang kapayapaan at mga nagpapatupad ng order.
Ipinaliwanag ni NCRPO chief Maj. Gen. Edgar Alan Okubo na ang mga pulis ay magsasagawa ng “anti-criminality operations”.
Humihingi rin si Okubo ng kooperasyon mula sa publiko at pinayuhang agad na mag-ulat o mag report ng anumang impormasyon tungkol sa mga alalahanin sa seguridad sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya.
EVELYN GARCIA