LIBONG TOURIST ENTRY REQUESTS DUMAGSA

BAGUIO CITY

LIBO-LIBONG tourist entry request ang dumagsa sa Baguio City makaraang luwagan ang health protocols simula noong u­nang araw ng Marso ng taong kasalukuyan.

Sa pahayag ni City Tourism Operations Officer Aloysius Mapalo, simula noong March 2 na ipatupad ang new travel guidelines na walang travel authority at testing requirements ay umabot sa 2,558 tourist requests ang naitala sa registration portal visita.baguio.gov. ph.

Naitala rin ang 5,140 entry request sa registrations noong Marso 3 na inaasahang aabot sa 476 tourist arrival sa nasabing lungsod.

Samantala, inaasahang aabot sa 980 turista ang dadagsa sa Marso 4 habang 1, 981 turista naman darating sa Marso 5; 983 naman sa Marso 6 at 380 turista naman sa Marso 7.

“While we are receiving more travel requests through Baguio VISITA registrations, the surge is not even half of our previous number in tourist arrivals. It will take time to pick up, and we may see larger numbers towards the Holy Week at the end of the month, if we’ll continue with the entry guidelines we have now,” ani Mapalo.

Nabatid na noong Biyernes at Sabado (peak days of the week) ay aabot sa 3,000 turista ang dumagsa sa Baguio City kung saan disiplina ang pinaiiral tulad ng social distancing, wearing face mask at face shield.
“Kakaiba ang peak season weekends tulad sa Holy Week, Christmas o kaya Panagbenga seasons kung saan aabot sa 100,000 turista ang da­dagsa sa loob lamang ng dalawang araw”, dadag pa ni Mapalo.
MHAR BASCO

33 thoughts on “LIBONG TOURIST ENTRY REQUESTS DUMAGSA”

  1. Pingback: 1ventilation
  2. drug information and news for professionals and consumers. Prescription Drug Information, Interactions & Side.
    generic ivermectin
    Definitive journal of drugs and therapeutics. Get information now.

Comments are closed.