INAASAHAN na lilikha ng libo-libong trabaho at mga oportunidad sa mga seafarer ang gaganaping Cruise Travel Tourism and Maritime Careers Convention 2024, na itinakda sa June 11 hanggang June ngayong taon sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Ayon kay Rachelle Lopez, President at CEO ng WMOC Group of Companies, layunin ng event na itatag ang Pilipinas bilang premier cruise destination sa Southeast Asia habang lumilikha ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga Filipino sa maritime, tourism, hospitality, at cruise sectors.
Tinaya sa expo ang pantay na benepisyo para sa lahat ng stakeholders hanggang sa mga lokal na komunidad, ang Expo Maritime Philippines ay nagbibigay ng plataporma upang ipakita ang mga produkto, serbisyo, at kahusayan ng industriya ng turismo at maritime sa Pilipinas, at sa gayon ay inilalantad ang mga participating booth sa mas malawak na audience.
Inaasahang ang magpapasinaya sa nasabing event ay ang kinatawan ng Department of Tourism (DOT) at ng Department of Transportation (DOTr).
“The Cruise Travel Tourism and Maritime Careers Convention showcases the country’s assets, attracts cruise operators, and fosters maritime workforce development. It promotes diverse maritime careers, encouraging talent retention and industry growth,” ayon kay Lopez.
Dagdag pa ni Lopez, kanilang inimbitahan ang foreign at regional cruise operators para mabigyan ng impormasyo ang mga pag-unlad at programa na ginagawa ang Pilipinas na isang kaakit-akit at kapana-panabik na destinasyon para sa cruise shipping sa Asya.
“Officials and leaders of local government units (LGUs) of premier tourist sites who are intently working to further develop and promote the places of interest in their localities have readily agreed to support and actively participate in the Convention by unveiling the unique brand of Philippine tourism,” diin ni Lopez.
Una naman sa listahan para maging cruise destination ang mga beach sa Boracay at El Nido.
Binigyang-diin ni Lopez ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan at ng pamahalaan at mga stakeholder para makamit ang tourism targets, na kinikilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang mahalagang salik tungo sa pag-unlad ng ekonomiya.
Ayon kay Lopez, nagkaroon ng consensus sa pribadong sektor na para sumulong ang cruise shipping ng Pilipinas, ang high-level na pangako mula sa gobyerno ay mahalaga, lalo na sa pagsasama-sama ng isang mapagkakumpitensya ngunit maayos na cruise tourism landscape.
“It provides a venue to roll out the infrastructure makeover which is taking place across the country. The chains of hotel and lodging facilities are all aimed at making travelers and guests experience pleasant and comfortable sojourns in the archipelago, which will be a main feature of the exhibit during the convention,” dagdag pa ni Lopez.
Tiniyak din ng opisyal ng WMOC na ang expo magpapalakas sa kampanya ng gobyerno para mapahusay ang kamalayan ng mga Pilipino sa archipelagic character ng kanilang bansa.
“By exploring the country through a cruise, Filipinos will gain a wider understanding of the various dimensions of the archipelago, which will contribute to their recognition of the maritime interests of the Philippines,” diin ni Lopez.