LIBRENG BAKUNA SA 500 SENIORS

Bakuna

KASABAY ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week ngayong buwan ng Oktubre, nagbigay at nagsagawa ng libreng Flu at Pneumococcal vaccination ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mahigit 500 na Manilenyong se­nior citi-zens.

Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, ang nasabing aktibidad ay may temang ‘Bakunado si Lolo at Lola, Iwas Pulmonya at Trangkaso’ na ginanap sa Dapitan Sports Complex sa Sampaloc, Manila.

Layon ng nasabing aktibidad na mabigyan ng proteksiyon ang kalusugan ng mga matatanda na sinasabing humihina na ang resistensya at prone sa anumang sakit tulad ng “trangkaso”.

Inirekomenda naman ng alkalde ang programa ng gobyerno na libreng bakuna na ibinibigay ng Department of Health (DOH) bilang bahagi ng Expanded Senior Citizens Act.

Pinuri rin ng alkalde ang dedikasyon ng lungsod upang matiyak na epektibong maipatutupad ang bakuna.

Naniniwala rin ang alkalde na napakaimportante ang bakuna upang masiguro ang pangkalahatang kalusugan ng mga mamamayan ng lungsod  at  ang  flu vaccination campaign ay seryosong pagpapakita ng malasakit sa mga matatandang Manilen­yo.

Ginawa ang pagbabakuna sa mga senior citizens sa tulong na rin ng mga doktor mula sa Philippine Foundation for vaccination (PFV) at Philippine College of Geriatic Medicine (PCGM).

“Annual vaccination is the best way to protect against catching and spreding flu, at any age”. Flu vaccines have been in use for more than 60 years proven safe and effective,” ayon kay PCGM President Dr. Edwin Fortuno. PAUL ROLDAN

Comments are closed.