LIBRENG BAKUNA SA COVID-19 SA MAYNILA

vaccine

INIIMBITAHAN  ni Manila  Mayor Isko Moreno ang mga residente ng lungsod ng Maynila na magpa rehistro para sa libreng bakuna laban sa coronavirus disease sa pamamagitan ng www.manilacovid19vaccine.com  kasabay ng pahayag na inaasahan ng pamahalaang lungsod na mapasisimulan ang kanilang free  anti-COVID vaccination sa mga susunod ng buwan

Ayon kay Moreno sa pamamagitan ng isang city ordinance na pinagtibay at inaprobahan ng  Manila City Council sa pamumuno ni Vice Mayor and Presiding Officer Honey Lacuna at  majority floorleader Joel Chua ay nabigyang daan ang paglalan ng P200 million para pambili ng nasabing bakuna.

Nabatid na hiwalay ito sa vaccine allotment na inilaan ng  national government para sa City of Manila.

Kaugnay nito, lubos na pinasalamatan ni Moreno si Pangulong Rodrigo Duterte at    National Action Plan vs COVID-19 chief implementer at  “vaccine czar,” Sec. Carlito Galvez Jr., sa todong suporta na ipinagkakaloob sa Maynila para labanan ang COVID-19.

Ayon kay Moreno, nakatakdang lumagda ang pamahalaang lungsod sa isang “advanced marketing agreement contract” para maka pag reserba ng inisyal na 400,000 dosage ng  vaccines para sa  200,000 residents.

Subalit, nilinaw nito na prayoridad ng pamahalaan ang mga  medical frontliners kasunod ang mga senior citizens bago ang mga ordinary citizens of Manila.

Inihayag din ng alklade,  nakalikha na ng maayos na plano kung paano ang gagawing proseso ng vaccination oras na available na ang bakuna habang mahigpit na sinusunod ang mandated health protocols.

Tiniyak din ni Moreno, habang inaantabayanan ang pagdating ng bakuna ay patuloy pa rin ang  free swab and serology testing sa lungsod sa mga itinalagang lugar. VERLIN RUIZ

3 thoughts on “LIBRENG BAKUNA SA COVID-19 SA MAYNILA”

  1. 621092 903556View the following guidelines less than and uncover to know how to observe this situation whilst you project your home business today. Earn funds from home 805558

Leave a Reply

Your email address will not be published.