LIBRENG BAKUNA SA MGA OFW

Adnan Alonto

PUWEDENG bigyan ng libreng bakuna ang milyon-milyong overseas Filipino workers (OFWs).

Iniulat  ni Philippine Ambassador  to Riyadh Adnan Alonto na  mahigit sa 550 vaccination stations ang itinayo sa Riyadh.

Sinabi ni Sen. Cynthia Villar  na makatutulong sa ekonomiya ng maraming bansa kung maliligtas ang mga OFW sa COVID19.

Napakaganda umano ng ginawa ng Kingdom of Saudi Arabia na pagtatayo  ng vaccination  stations.

Kasama sa babakunahan ang lahat ng OFWs, na mismong ang gobyerno ng Saudi ang magbabayad.

Mismong si Alonto ay nabakunahan na ng unang shot na gawa ng Pfizer kaya hinihikayat niya ang iba pang OFWs sa Saudi Arabia na magparehistro upang mabakunahan nang libre.

Samantala, nagbabakuna araw-araw ang mga health centers sa Bahrain mula 8 AM hanggang 6 PM sa mga Saudi national at mga residente, 18 taong gulang pataas.

Nabakunahan na rin si Bahraini King Hamad bilang bahagi ng kanyang kampanya na malawang pagbabakuna sa kanilag bansa.

Ikalawa ang Bahrain sa nagbigay ng emergency use authorization sa Pfizer/BioNTech COVID-19 vaccine, matapos mauna ang United Kingdom.

Nag-order ang UK ng 100 million jabs na may 40 million doses na ipamamahagi sa Marso sa mga Englishmen.  NENET L. VILLAFANIA

Comments are closed.