HINDI na kailangang gumastos ang mga nagnanais mag-apply para sa scholarship, trabaho at livelihood programs dahil wala nang kailangang bayarang P100.00 para sa certification fee sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga ito.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., bahagi ito ng hakbang ng ahensya upang mabawasan ang pasanin ng mga kababayan nating nangangailangan ng tulong pinansyal.
Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 127-2024, inalis ang certification fee para sa pagkuha ng Certificate of Exemption ng mga may mababa o walang kita na nais mag-apply sa mga naturang programa.
“Those who apply for scholarships and job/livelihood programs do not have to pay for the Php 100.00 certification fee. The BIR has removed that requirement. The BIR will do its share in alleviating the burden of our countrymen who are already in need of financial assistance, which is why they are applying for scholarships, jobs, or livelihood programs. You can now apply for those programs without paying for the certification fee” ani Lumagui.
Nakapaloob sa Section 2 ng National Internal Revenue Code (NIRC) na may kapangyarihan ang BIR na magpataw ng buwis ngunit kasama rin dito ang kapangyarihang tanggalin ang mga bayaring ito.
Layunin ng pagbabagong ito na maibsan ang gastusin ng mga nagnanais magkaroon ng mas maayos na oportunidad sa edukasyon, trabaho at kabuhayan.
RUBEN FUENTES