NAGSIMULA nang mamigay ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ng libreng certified seeds na nagkakahalaga ng P174 million sa ilang 57,000 Negrense farmers bilang bahagi ng pagpapatupad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Pahayag ni PhilRice-Negros Occidental Director Gerardo Estoy Jr. na nauna na silang mag-release ng binhing alokasyon para sa dalawang local government units (LGUs) at makukumpleto ang pamamahagi sa natitirang 29 bayan at siyudad sa probinsiya ng Negros sa ikalawang linggo ng Disy-embre, na natapat sa panahon ng pagtatanim.
Sinamahan kamakailan ni Estoy ang ilang provincial officials sa pangunguna ni Governor Eugenio Jose Lacson sa ceremonial distribution na ginanap sa Capitol grounds kung saan ang mga magsasaka mula sa Valladolid ay nakatanggap ng 2,773 sako ng certified rice seeds.
Mayroong 2,035.5 sako na ini-release sa mga magsasaka sa Sipalay City ng naunang araw.
Pahayag ni Estoy na ang Negros Occidental ay may total na alokasyon na 57,118.25 sako, na sumasakop sa 51,118.25 ektarya bawat panahon ng paggagapas.
Bawat sako ng certified rice seeds ay nagkakahalaga ng P1,520, na nangangahulugan na ang probinisya ay may alokasyon na halos P87 milyon bawat paggagapas.
Pahayag din ng PhilRice official na nagbigay rin sa mga magsasaka ng training sa iba’t ibang teknolohiya ng pagsasaka para makatulong sa kanila na madagdagan ang kanilang prodyus at mabawasan ang pagkalugi.
“The free seeds will have no use if farmers do not know the proper ways or new technologies in rice production,” ani Estoy.
Nilikha sa ilalim ng Republic Act 11203 o ang Rice Tarrification Law, ang RCEF, o Rice Fund, ay kinuha mula sa tariff revenues ng bigas na iniim-port ng bansa.
Sa pamamagitan ng programa, nilalayon ng gobyerno na makatulong para mapabuti ang pakikipagkompetensiya ng Filipino rice farmers at maayudahan ang kanilang income habang pinanatili ang katatagan at ang pagtugon.
Ang RCEF ay may taunang appropriation ng P10 bilyon para sa susunod na anim na taon, na 50 porsiyento ay itatalaga para sa makinarya ng pagsasaka at kagamitan; 30 percent, rice seed development, propagation, and promotion; 10 percent, expanded rice credit assistance; at 10 percent, rice extension services. PNA
Comments are closed.