BINUKSAN na ng Department of Health ang kauna-unahang Wellness Center na inilagay sa loob mismo ng mall.
Matatagpuan ito sa Government Service Center ng SM Mall of Asia sa Pasay City.
Ayon kay DOH National Capital Region Director Rio Magpantay, bukas ang wellness center na ito sa lahat.
May mga naka duty rin ditong doktor at nurse na bukod sa libreng check up ay may mga libreng gamot rin.
At kung kinakailangan magpatingin sa ospital, bibigyan naman ng referral ang pasyente.
Ayon kay Magpantay, ang Pasay City General Hospital ang kanilang ka-tie up na ospital dahil ito ang pinakamalapit sa nasabing Wellness Center.
Dahil bago pa lang, sa mga nasa edad 20 pataas muna ang seserbisyuhan ng DOH Wellness Center na ito.
Target ng Wellness Center na makapagbigay serbisyo sa 100 pasyente kada araw.
Bukas ito mula Martes hanggang Sabado mula alas-10 umaga hanggang ala-7 ng gabi.
CRISPIN RIZAL