LIBRENG CONCERT, FIREWORKS DISPLAY SA PAGSALUBONG SA 2020

FIREWORKS DISPLAY

HINIMOK ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang mga residente na huwag nang magpaputok sa bakuran ng kanilang bahay sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa halip ay dumalo na lamang sa libreng pa-concert at fireworks display sa Marikina Sports Center mula alas-7 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi ng Disyembre 31.

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, mas magandang salubungin ang selebrasyon ng Bagong Taon na ligtas at mapayapa.

Aniya, naging tradisyon na ng mga taga-Marikina ang pano­nood ng fireworks display at yearend concert.

Hindi lamang ito para sa mga taga-Marikina kundi para na rin sa kalapit lugar tulad ng Quezon City, Pasig City at Rizal.

Layon ng proyektong ito ng lokal na pamahalaan  na  mabawasan kung hindi man tuluyang mapigilan ang firecracker-related injuries at mga pinsala sa ari-arian. ELMA MORALES GUIDO

Comments are closed.