MAGBIBIGAY ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng libreng contact tracing training upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng Corona Virus Disease ( COViD-19) sa bansa.
Dahil dito , hinimok ng TESDA ang local government units (LGUs) na samantalahin ang pagkakataon para sa libreng contract tracing training program (CTTP) upang matulungan sila na madetermina ang sinumang indibidwal na nagpositibo sa virus at hindi na makahawa pa.
Inatasan din ni TESDA chief Secretary Isidro Lapeña ang kanilang Qualifications and Standards Office na agad na bumuo ng competency standard para sa contact tracing
para suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa pagkalat ng Covid-19
Nauna na ring pinangunahan ni Lapena ang virtual class opening ng unang batch para sa CTTP ang
TESDA MUNTIPARLASTAPAT Training and Assessment Center.
“Our Contact Tracing Level II training program is another response and contribution of TESDA in the whole-of-government approach to fighting the pandemic. I also commend our trainees for taking part in this program. Your efficiency as contact tracers will be crucial in preventing the further spread of the virus in your communities,” pahayag ni Lapena
Inatasan din ni Lapena ang TESDA Technology Institutions (TTIs) sa buong bansa na makipag-partner sa mga barangay health centers, LGUs, Red Cross, o DOH facilities sa kanilang lugar ukol sa nasabing program
Magugunita sa public hearing na isinagawa sa Kamara ng House Committee on Metro Manila Development, iginiit ni Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya na ang pamahalaan ay nangangailagan ng mahigit sa 10,000 contact tracers sa Metro Manila
Ang training para sa contact tracing na magkatuwang na binuo ng Health Human Resources Development Bureau ng Department of Health (DOh) at health industry experts ay tatagal lamang ng 15 araw sa pamamagitan ng blended learning.
Ang mga trainee naman ay dapat na may 10 years basic education o kaya ay mayroong Alternative Learning System (ALs) certificate of completion na may katumbas na grade 10 na basic communication skills.
Ang mga trainee ay bibigyan ng training allowance na nagkakahalaga ng PhP2,400, insurance coverage, internet allowance, at free health protection equipment.
Ang mga graduate ay maaaring mag-aplay sa LGUs o maaaring maging bahagi ng local contact tracing team upang madaling madetermina kung sino-sino ang mga nagkaroon o nahawaan ng Covid-19. LIZA SORIANO
Comments are closed.