INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbibigay ng libreng COVID-19 RT-PCR (Swab) tests para sa mga empleyado na kinakitaan ng COVID-19 symptoms.
“Being frontliners, BI personnel are one of the most at risk as we are in close contact with numerous people every day in the performance of our duties,” ayon kay Morente. “This effort is to ensure the health and safety of everyone,” dagdag pa nito.
Sinabi naman ni Immigration Deputy Commissioner Aldwin Alegre, namumuno ng BI Covid Task Force na ang swab testing ay isasagawa sa tulong ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.
“We have received allocation for swab kits from the Philippine Coast Guard and the Local Government Unit of Manila,” ayon kay Alegre. “We are very thankful for their support, and this will go a long way in our fight against Covid,” dagdag pa nito.
Nabatid na limang empleyado ng BI ang isasailalim sa pagsusuri at priority dito ang mga symptomatic employees gayundin ang mga close contact sa kanila na positibo sa COVID-19.
Isasagawa ang test sa mga empleyado ng BI sa Palacio de Maynila, Manila Health Office at Palacio del Gobernador sa Intramuros. PAUL ROLDAN/FROILAN MORALLOS
Comments are closed.