SA paggunita ng ika-103 kaarawan ni dating Pang. Ferdinand Edralin Marcos, Sr. ngayong Biyernes, Setyembre 11, nagkasa ang opisina ni Senadora Imee R. Marcos ng ilang aktibidad para sa mga mahihirap nating kababayan at mga frontliner sa ibat-ibang pagamutan sa Metro Manila at Ilocos Norte.
Katuwang ang Department of Health, isasagawa ang sabayang two-day free dialysis (Sept. 11–12) sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City at Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac, Ilocos Norte na makikinabang ang humigit-kumulang sa 500 regular out-patients.
Bukod sa free dialysis, mamamahagi ng 7,000 “malunggay fortified and squash-filled” na Nutribun sa mga healthcare frontliners sa NKTI, Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, East Avenue Medical Center, at Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City; Philippine General Hospital sa Maynila; at Army General Hospital sa Taguig.
Noong nakaraang taon, umabot sa 310 mahihirap na pasyente ang nabigyan ng free dialysis sa NKTI, na ipinatayo ni Pangulong Marcos noong February 16, 1981 para sa promosyon ng world-class renal, urological, vascular and organ transplant health ng mga Pinoy.
Ipinanganak si Marcos noong Sept. 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte.
Si Marcos ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25, 1986. VICKY CERVALES
Comments are closed.