LIBRENG DIALYSIS SA 100K MANILENYO

Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center

NASA mahigit 100,000 kidney patients na residente ng Maynila ang nahandugan ng libreng dialysis treatment sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) mula pa noong 2014.

Ayon kay GABMMC Officer-in-Charge Director Dra. Ma. Luisa ‘Lui’ Aquino, nasa 111,200 na ang sumailalim sa hemodialysis treatments mula Disyembre 2014 hanggang kasalukuyan kung saan may 854 mga pasyente ang hinandugan ng “unlimited life-time treatments” sa mga kidney patient.

Napag-alaman naman kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na nasa 72 dialysis machines ang matatagpuan sa GABMMC upang mabigyan ng libreng serbisyo ang mga maralitang Manilenyo na may sakit sa bato.

Giit ni Estrada, ang libreng serbisyo na dialysis treatment ay nagsimula pa noong siya ay Pangulo ng bansa.

Ayon kay Estrada, ang gastos sa bawat paggamot sa dialysis ay humigit-kumulang sa P2,500 sa mga government hospital ha-bang nasa P4,000 sa mga pribadong pasilidad na napakahirap para sa isang karaniwang pamilya lamang.

Ang kidney disease ay maaaring mapigilan bagama’t ang nasabing sakit ay ika-pitong pangunahing sanhi ng kamatayan sa ating bansa.

Gayunpaman, sinabi ni Estrada na dahil sa mataas na gastos at hindi maaabot ng paggamot, ang ilang mga pasyente ay namama-tay nang hindi sumasailalim sa dialysis.

Comments are closed.