PUMASA na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong makapagbigay ng libreng renal replacement therapy para sa mga pasyenteng may malalang sakit sa kidney o bato.
177 mga kongresista ang bumoto pabor sa House Bill 9156 o Comprehensive Renal Replacement Therapy Act.
Sa ilalim ng nasabing batas, mabibigyan na ng libreng dialysis treatment ang mga pinakamahihirap na pasyente.
Palalawakin din ang benefit package ng PhilHealth para sa kidney transplant therapy sa kapwa buhay at namatay na donor.
Gayundin ang PhilHealth coverage para sa kidney transplantation mula sa pag-evaluate at screening ng kidney donor at recipients hanggang sa mismong proseso ng transplant at matapos nito.
Inaatasan din ang PCSO na ipagkaloob ang nalalabing kinakailangang session para sa pertoneal dialysis at hemodialysis ng mga pasyente sakaling magamit na ang buong benefit package ng PhilHealth. Krista De Dios -DWIZ882
Comments are closed.