MAY alok na libreng foreign language courses ang Technical Education ang Skills Development Authority (TESDA).
Kabilang sa puwedeng pag-aralan sa nasabing kurso ay ang wikang Arabic, Mandarin, Italian, French, at Korean.
Ito ay sa ilalim ng National Skills Language Center (NSLC) na kung saan bukod pa ito sa una nang iniaalok na kurso na English, Japanese at Spanish.
“As we continue to respond to the demands of our workers, we shall soon be offering variuos language courses soon be offering various language courses in partnership foreign embasies and other interested international organizations,” pahayag ni TESDA Officer in charge Deputy Director General Rosanna Urdaneta.
Ayon sa TESDA, noong 2021 ay nakapagtapos ang NLSC na may 1,148 estudyante kung saan 508 ang nagtapos ng English Proficieny for Customer Service Workers; 450 sa Japanese Language and Culture at 190 sa Spanish.
Layon din ng TESDA na matulungan ang mga Pilipino na magkaroon ng karagdagang kaalaman ukol sa iba’t ibang lengwahe na mas malaking factor para sa paghahanap ng trabaho lalo na ang pagtungo sa ibang bansa. BETH C