LIBRENG HIV SCREENING CLINIC PINASINAYAAN NG DOH BICOL

PINASINAYAAN ng DOH Bicol CHD ang BRGHGMC WeCare Hub, isang klinika na nag-aalok ng libreng HIV screening, paggamot at suporta para sa mga Persons Li­ving with HIV kasabay sa paggunita ng 37th World AIDS Day nitong Disyembre 10 na may temang “Take the Rights Path.”

Ang naturang seremonya ay pinangunahan ng Department of Health Bicol Center for Health Development, katuwang ang Bicol Region Gene­ral Hospital and Geriatric Medical Center, BRGHGMC Medical Center Chief na si Dr. Ramon C. Echano Jr. at ni Mr. Samuel Banico, National AIDS and STI Program Manager ng DOH Bicol CHD.

Binigyang-diin sa pagdiriwang ang paggamit ng human rights approach laban sa HIV/AIDS sa pamamagitan ng pagwawakas ng stigma at diskriminasyon, pag-empower sa mga kabataan at pagsulong ng maagang detection sa pamamagitan ng HIV testing.

Hinihikayat ng DOH Bicol CHD ang publiko na magtungo sa pinakamalapit na health center para sa libreng HIV screening at magpraktis ng mga malusog na gawi upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

RUBEN FUENTES