LIBRENG INFLUENZA VACCINE PARA SA MGA SENIOR CITIZEN

MASAlamin

MARAMI sa ating mga senior citizen o mga Filipino na may edad na 60 pataas ang hindi nakaa­alam na mayroon silang libreng shot ng influenza vaccine mula sa Department of Health (DOH). Kailangang-kai­langan pa man din ng a­ting mga senior citizens‘yan lalo’t tag-ulan at madali silang kapitan ng mga sakit katulad ng flu.

Ang libreng flu shots ay alinsunod na rin sa Expanded Senior Citizens Act of 2010, o Republic Act 9994, na nag-aatas sa DOH na bigyan ng libreng influenza vaccine ang ating mga kababa­yang senior citizen.

Napapanahon ‘yan dahil sa panahon ng tag-ulan ay talaga namang madaling kapitan ng flu o mga flu-like diseases ang ating mga tatang at nanang.

Ayon na rin sa datos ng Bureau of Epidemiology, Public Health Surveillance Division ng DOH, nasa 21% ang pagtaas ng mga namamatay dahil sa influenza. Aba, hindi biro ‘yan! Karaniwang types ng mga nabibiktima ng influenza o mga 40% sa kanila ay tinatamaan ng Influenza B Yamagata-Lineage virus, samantalang ang Influenza A naman ang responsable sa may 30% ng mga na­ngangamatay dahil sa influenza.

Ang Center for Disease Control (CDC) ay nagpalabas ng pag-aaral na ang mga taong ang edad ay mula 65 taon pataas ang pinaka-vulnerable na tinatamaan ng matinding komplikasyon ng flu, kumpara sa mga young healthy adult, dahil na rin sa paghina ng immune system na karaniwang kasama sa pag-edad.

Sa research ng CDC, ipinapakitang nasa 70% at 85% ng mga seasonal flu-related deaths ay nasa mga edad 65 pataas, samantalang 54% at 70% ng mga seasonal flu-related hospitalizations, partikular ang mga may sintomas ng influenza ay naoobserbahan din sa kanilang age group.

Kapag tinamaan ng flu ang mga may edad na 65 pataas ay karaniwang kinakikitaan sila ng ma­tinding komplikasyon na kinakailangang madala sa ospital. Ang flu kasi mga kamasa kalaunan ay maaaring magresulta sa pneumonia, dehydration at mapalala ang asthma, emphysema, at heart disease ng biktima.

Samantalang ginagawa naman ng DOH ang lahat ng makakaya nito upang maiwasan at masalansala ang pagkalat ng mga nabanggit nating seasonal flu viruses, para sa CDC at World Health Organization, ang pinakamai­nam pa ding sagot dito ay ang pag-administer ng flu shot sa ating mga kababayan lalong-lalo na nga sa mga senior citizen.

Napatunayan na kasi mga kamasa na ang flu vaccination, hindi po ang nasal sprays,  ang nagpapababa ng insidente ng pagkakasakit dahil sa flu at mga komplikasyon nito na ikinaoospital at kamatayan pa ng ating mga nakatatanda.  ITUTULOY

Comments are closed.