PAGKAKALOOBAN ng libreng insurance coverage ang lahat ng agency authorized officers (AAOs), electronic remittance file (ERF) handlers, and liaison officers (LOs) sa ilalim ng Group Personal Accident Insurance (GPAI) ng Government Service Insurance System (GSIS)
Umaabot sa mahigit 18,000 AAOs, ERF handlers, and LOs sa buong bansa ang tumutulong sa ahensiya para sa kanilang GSIS transactions ang awtomatikong insured sa dismemberment, permanent total disability at accidental death.
Kabilang sa benepisyong makukuha mula sa GPAI para sa AAOs at ERF ay ang P500,000 kabayaran sa accidental death at dismemberment (AD&D) o permanent total disability (PTD) at P100,000 naman sa medical reimbursement (MR) at P10,000 bereavement assistance sa miyembro ng pamilya.
Mabebenipisyuhan naman ang LOs ng P100,000 sa AD&D or PTD; P10,000 sa MR at P10,000 na bereavement assistance.
Ayon kay GSIS President and General Manager Jesus Clint O. Aranas na layunin ng pagbibigay benepisyo na kilalanin ang mahalagang papel na ginagampanan ng AAOs, ERF handlers, at LOs sa pagtulong sa ahensiya.
“They have been our indispensable partner over the years. As they carry out their functions responsibly, GSIS members are assured that they get the right amount of social security benefits when they fall due,” giit ni Aranas. VICKY CERVALES
Comments are closed.