SUKDULANG dusa para sa mga guro at mag-aaral ang kakulangan ng gobyernong tugunan ang mga panawagan hinggil sa internet connectivity sa buong bansa.
May agam-agam din si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mahinang internet connection sa iba’t ibang panig ng bansa, dahilan kung bakit marami sa mga mag-aaral ay tuluyan nang nawawalan ng gana.
“Hangga’t hindi maayos ang internet signal dito sa atin, hindi natin magagawang mabuti ang remote learning via internet. Kailangan talagang umabot ang internet signal sa lahat ng ating mga estudyante kahit saang panig pa ng bansa sila naroroon nang sa gayon ay wala namang maiiwanan,” ani Marcos sa panayam ni Deo Macalma sa DZRH.
Bukod sa mahinang internet, nais din ni Marcos na magkaroon ng libreng internet connection para sa mga mag-aaral sa ilalim ng blended learning system ng Department of Education.
Paliwanag pa ng dating mambabatas, lubhang naapektuhan ang milyon-milyong pamilya sa dagok na dulot ng pandemya, kabilang ang kawalan ng hanapbuhay na siyang dahilan kaya naman tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila’y dumaranas ng gutom.
Base kasi sa survey na isinagawa mismo ng DepEd, lumalabas na 6.9 million magulang at guardians ang nagsabi na hamon para sa kanila ang pagkakaroon ng stable na mobile/internet connection bukod pa sa kulang ang magagamit na gadgets at equipment sa pag-aaral ng kanilang anak sa ilalim ng distance education.
Bahagi rin ng survey ang nagsabing wala silang kakayahang bumili ng gadget o load man lang para sa online classes.
Napakalimitado aniya ang may access sa kalidad na edukasyon sa ipinipilit ng DepEd na mode of learning.
Hangad din ng dating senador na matugunan ang mga bayaring kinakaharap ng mga mag-aaral bunsod ng mga umiiral na requirements sa mga unibersidad at kolehiyo.
Aniya, mayroon namang batas kung saan ang mga mag-aaral sa kolehiyo ay maaaring maging benepisyaryo. Hindi na rin umano kailangan pang magkumahog ang mga magulang para makalikom ng salapi para lamang pahintulutang kumuha ng pagsusulit ang mga college student.
“Sana naman eh ‘wag natin pabayaan ang mga estudyante, may programa naman tayo para diyan eh nasa batas yan. ‘Yung short-term loan program para sa kanila,” dagdag pa niya.
Giit pa ni Marcos, dapat agad na matugunan ng Department of Education (DepEd) ang problemang nagiging balakid sa ilalim ng programang blended learning system.
Tugon naman ng DepEd, mayroon namang ipamamahaging modules, kung saan hindi na kailangang mag-online lagi ang estudyante.
“The telcos should step up. It’s now in the hands of our telcos to step up and to make sure that connectivity is available to all of our students… We have to use all tools available and I’m looking at the point of view of our parents and students and I’ve seen firsthand that connectivity is a problem,” ani Marcos.
276566 201914This is a outstanding blog, would you be involved in doing an interview about just how you designed it? If so e-mail me! 196909
739661 985951Some times its a discomfort within the ass to read what blog owners wrote but this internet site is very user friendly ! . 840433
581014 204740Once I originally commented I clicked the -Notify me when new feedback are added- checkbox and now every time a remark is added I get four emails with exactly the same comment. Is there any indicates you possibly can remove me from that service? Thanks! 249610