LIBRENG INTERNET SA ONLINE EDUC NG 3-M COLLEGE STUDES

ONLINE EDUC

HINILING ng Commission on Higher Education (CHED) sa National Telecommunications Commission (NTC) na maglaan ng libreng internet access sa online educational resources.

Ang kahilingan ng CHED ay nakapaloob sa ika-walong report ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso kaugnay sa pagpapatupad ng Bayanihan to Heal as One Law.

Layon ng kahilingan ng CHED na matulungan ang nasa tatlong milyong college students na makapaghanda sa flexible learning method na siyang magiging new normal sa pasukan.

Pinag-aaralan na rin ng CHED ang information technology infrastructure ng colleges at universities upang matantya kung gaano sila kahanda sa online learning pagdating sa internet connectivity. DWIZ882

Comments are closed.