LIBRENG KASALAN SA BUWAN NG PUSO

NANAWAGAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga Navoteñong nakahanap na ng kanilang forever at hindi pa kasal pero nagsasama na lumahok sa libreng “Kasalan Bayan” na programa ng lungsod tuwing sasapit ang Buwan ng mga Puso.

Kailangan 25 taong gulang pataas at nagsasama na ng limang taon pataas, may mga anak, at handa ng mag-“I Do,” ang maaring sumali sa Kasalang Bayan na gaganapin sa Pebrero 14.

Nasa 40 na magkasintahan ang makikinabang sa libreng kasalan ng pamahalaang lungsod.

Ang 20 sa kanila ay ikakasal ng alas-9 ng umaga sa Kapitbahayan Elementary School habang ang 20 naman alas-3 ng hapon sa NBBN Elementary School.

Sa mga gustong mag-apply sa programang ito ng pamahalaang lungsod, pumunta lamang sa Local Civil Registrar’s Office sa 1st floor ng Navotas City Library, Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.

Kabilang sa dadalhin na mga requirements, certificate of No Marriage (cenomar) ng magkasintahan, birth certificate ng magkasintahan at birth certificate ng kanilang mga anak.

Paalala ng pamahalaang lungsod, hanggang Pebrero 11 lang maaaring mag-apply sa programang ito kaya magmadali na. EVELYN GARCIA