PINANGUNAHAN ng Department of Justice (DOJ) ang Katarungan caravan upang magbigay ng legal aid sa persons deprived of liberty (PDLs) sa Bureau of Corrections.
Ayon sa ahensya, halos 40 abogado mula sa Public Attorney’s Office, mga pribadong abogado, at paralegals ang nakibahagi sa DOJ Action Center sa pag-aalok ng legal services sa kwalipikadong PDLs.
Kabilang sa mga serbisyo ang request para sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at parole, paghahanda ng indorsements, at iba pa.
“The only way our PDLs can access justice is through this legal aid. We need to understand and address the legal needs of our PDLs,” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
“This is a fundamental right that has to be given to the disadvantaged and underprivileged members of our society,” dagdag niya.
Bago ito, nagbigay ang DOJ ng libreng legal assistance sa mga biktima ng Marawi Siege at internally displaced persons (IDPs) mula Hunyo 3 hanggang Hulyo 3.
EVELYN GARCIA