Libreng lumabas si Philmar with friends – Andi

HINDI  restricted si Philmar Alipayo na lumabas at magsaya kasama ang kanyang mga kaibigan, ito ang pahayag ni Andi Eigenmann matapos mag-viral ang video nitong may kasamang babae.

Malayang-malaya umanong lumabas ang kanyang fiancé kasama ang kanyang mga kaibigan, makipag-inuman paminsan-minsan, at makikipag-usap kanino man. Ang hindi lamang umano maganda ay purposely posting and editing a video para manggulo sa tahimik na pamilya.

Nag-post kasi ng video noong May 25 sa TikTok ang influencer/video creator na si Crissa Liaging kasama si Philmar sa Siargao. Nagkumento ang mga netizens na alam ang love story ng dalawa. Sa video, nag-uusap sina Crissa at Philmar. Topless si Philmar at parang may itinatanong sa kanya si Crissa. May caption pa itong: “For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!”

Milyon agad ang nag-view sa video, pero binura ito ni Crissa at ni-reupload lang niya ito ulit na may kaparehong caption na may background na kantang “Weak”.

Nagalit ang mga netizens, pero sabi ni Andi, huwag nang pansinin ito dahil nagpapapansin lang. (RLVN)