HANDANG-HANDA na ang may 1,753 accredited assessment centers ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagbibigay ng libreng dalawang araw na national assessment sa darating na Hunyo 26-27, 2018 sa lahat ng accredited assessment centers sa buong bansa.
Ayon kay TESDA Director General Guiling “Gene” Mamodiong, sa kasalukuyan ay abalang-abala na ang mga Regional/Provincial Offices (ROs/POs) sa pagpapatupad ng iba’t ibang action plans upang matiyak na magiging matagumpay ang idaraos na 2-day National Assessment Day (NAD).
Ayon sa opisyal, may 7,083 competency assessors ang nakahandang mag-assess para sa tinatayang 11,240 TVET graduates at mga manggagawa gaya ng mga industrial worker, career shifter, unemployed adult, guro, trainer at iba pang indibidwal na sumailalim sa pagsasanay sa Trainers Methodology (TM) l at sa mga interesadong maging certified TVET Trainers o TESDA Accredited Assessors, na inaasahang dadagsa sa iba’t ibang TESDA accredited assessment centers sa buong Filipinas. BENJARDIE REYES
Comments are closed.