LIBRENG NBI CLEARANCE SA 1K JOBSEEKERS

NBI Clearance

UMABOT sa mahigit 1,000 first time jobseekers ang nabiyayaan ng libreng clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ay batay sa Republic Act 11261 o ang First Time Jobseekers Assistance Act.

Sinabi ni NBI Director Dante Gierran, 15  satellite, regional at district offices ng NBI ang nakapag-isyu ng libreng NBI clearances sa 1,032 na first time jobseekers.

Kabilang dito ang LRT Northmall, NBI Muntinlupa Satellite office, NBI Quezon City Hall, NBI Biometrics Main Building, NBI Bohol Regional Office, at South Eastern Mindanao Regional Office.

Nangako si Gierran na palalawigin pa nila ang pagtatayo ng mas maraming satellite offices sa bansa sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan ay may 130 ang NBI clearance satellites at clearance processing centers sa buong bansa.

One thought on “LIBRENG NBI CLEARANCE SA 1K JOBSEEKERS”

  1. 588435 712681Id have to check with you here. Which is not something I generally do! I enjoy reading a post that will make folks feel. Also, thanks for permitting me to comment! 736613

Comments are closed.