MAGSASAGAWA ang Far Eastern University (FEU) ng libreng online chess lesson sa Oktubre 24 para turuan at hasain ang mga kabataan at magkaroon ang mga ito ng pagkakataong makilala at makapaglaro sa mga international chess competition.
Ang nasabing proyekto ay ‘brainchild’ ni FEU chairman Anton Montinola sa kanyang hangaring makatuklas na mga batang may potensiyal at makapagbibigay ng karangalan sa bansa.
Ayon kay FEU athletic director Mark Molina, gagawin ang chess lesson sa umaga at hapon, sa boys and girls 11 to 17 years old.
“We are initiating this noble project ostensibly to hasten the youth’s chess interest at earlier age,” sabi ni Moliina.
Ang online lesson ay pangungunahan nina Asia’s first GM Eugene Torre at Jayson Gonzales, kasama sina Janelle Mae Frayna, Paolo Bersamina at Jerad Docena at Woman FIDE Master Michelle Yaon.
Si Gonzales ang coach ng FEU na dinomina ang chess sa UAAP sa mahabang panahon kung saan naglaro si Frayna bilang board onde. Nakuha ng Bicolanang si Frayn ang GM title sa nakaraang Chess Olympiad sa Baku, Azerbaijan.
“Helping the development of chess among young people especially the low income or less fortunate families is the main objective and mission of the program,” sabi ni Gonzales. CLYDE MARIANO
Comments are closed.