Libreng online medical consultation sa DOH-Calabarzon

DOH
PORMAL nang inilunsad ng Department of Health (DOH) sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang kanilang libreng online medical consultation sa pamamagitan ng “TeleBIDA – HAIDOC”, na mas pinahusay para sa mga residente sa rehiyon.
Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, layunin ng proyekto na ipasilidad at pabilisin ang probisyon ng libreng medical consultation para sa mga indibidwal na may karamdaman, nang hindi na kinakailangan pang umalis ng kanilang tahanan.
Sinabi ni Janairo na ang mga taong nais na mag-avail ng free online consultations ay maaaring gumamit ng Facebook at Viber o kaya ng mobile phones.
“The TeleBIDA-HAIDOC will also cater for COVID-19 patients or individuals with COVID-19 symptoms by referring them to the epidemiology unit in their own locality through their local government unit,” ani Janairo.
Nabatid na ang llibreng konsultasyon ay bukas mula Lunes hanggan Biyernes, at ang registration ay mula 8:30 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.
Magsisimula naman ang consultation hours mula 9:00 ng umaga hangagng 12:00 ng tanghali sa umaga at mula 1:00 hanggang 4:00 naman sa hapon.
Upang makapag-avail ng serbisyo, kinakailangan lamang na magparehistro sa TeleBIDA-HAIDOC Facebook account  na https://www.facebook.com/haidoc.chdcalabarzon sa pamamagitan ng pagpapadala ng private message.
 
Maaari ring gumamit ng Viber o magpadala ng mensahe sa mobile numbers na 0961-5118868 (Smart, TNT, Sun) at 0995-1077419 (Globe, TM).
Dapat lamang anilang sundan ang mga instruksiyon at ibigay ang mga impormasyong kinakailangan para sa konsultasyon.
Pinaalalahanan naman ni Janairo ang mga indibidwal na nais mag-avail ng serbisyo na tiyaking ang kanilang devices ay konektado sa Wi-Fi o mobile data at fully-charged sa panahon ng consultation period.
Ang serbisyo ay ‘first come, first serve’ basis din at tanging out-patient lamang ang ie-entertain.
Ang TeleBIDA-HAIDOC o Telemedicine BIDA– Health Access Innovation of Doctors Offering Online Consultation, ay nasa ilalim ng Health Accessibility and Innovation Development Unit at isa sa mga health innovations projects ni Janairo para sa Calabarzon. Ana Rosario Hernandez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *