LIBRENG PABAHAY SA 36 REBEL RETURNEES

NPA

PINAGKALOOBAN ng libreng pabahay ang may 36 na mga dating rebeldeng komunista  sa ilalim ng Community Pabahay sa Barangay (CPB) Shelter Program na may temang “Balay Aron Pamilya Mahamugay” ng lokal na pamahalaan ng Davao Occidental sa Brgy. Marabatuan, Jose Abad Santos ng nasabing probinsya.

Sa ginanap na “ground breaking” ng CPB Shelter Program, masayang nagpakitang gilas ang mga dating rebelde sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw. Ito ay dinaluhan ng lokal na ahensIya ng probinsya, kapulisan at kasundaluhan ng 73IB kasabay ng pamamahagi ng food packs para sa  mga dating rebelde.

Ayon kay Lt. Col. Ronaldo G Valdez INF (GSC),  kanyang pinasasalamatan ang  lokal na pamahalaan ng Davao Occidental sa walang sawang suporta at  pagtugon ng pangangailangan ng mga mamamayan.

Laking tuwa at pasasalamat ng mga dating rebelde na sila’y binigyan pansin ng lokal na pamahalaan tungo sa matiwasay na pamumuhay at pagbabagong-buhay at pag-asa na makakamit ang kanilang inaasam na pagbabalik sa lipunan  sa tulong ng serbisyong handog ng kasalukuyang administrasyon.VERLIN RUIZ

3 thoughts on “LIBRENG PABAHAY SA 36 REBEL RETURNEES”

  1. 332475 481315Thanks for this wonderful post! It has long been very valuable. I wish that youll carry on posting your wisdom with us. 990463

  2. 734287 745650Do you have a spam issue on this blog; I also am a blogger, and I was wondering your situation; many of us have developed some nice methods and we are looking to exchange strategies with other folks, be sure to shoot me an e-mail if interested. 348857

Leave a Reply

Your email address will not be published.