LIBRENG PABAHAY SA KATUTUBONG TRIBO NG SKPPO

SULTAN KUDARAT- NAGLUNSAD ng programang Project CHRIS ang Sultan Kudarat Police Provincial Office ( SKPPO) sa pamumuno ni Provincial Director Col.Christopher Moreno Bermudez katuwang ang Provincial Government ng Sultan Kudarat Province sa pangunguna ni Gov. Datu Pax Ali Sangki Mangudadatu sa residente ng Sitio Trapal, Brgy. Legodon, Esperaza sa lalawigang ito.

Ang aktibidad ay batay sa programa ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr na kung tawagin ay KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanaan) na nagsama-sama upang magbigay serbisyo sa taong bayan na may Malasakit, Kaayusan,Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran, na matagal ng pinapangarap ng bawat isa.

Naaayon din ito sa programa ni BGen. Jimili Lopez Macaraeg, Regional Director of PRO 12 na Service with Heart (Serbisyong may Puso) na ang layunin ay mapagsilbihan ang bawat mamayan, lalong-lalo na ang mga kababayan nating naninirahan sa mga GIDAS (Geographically Isolated Disadvantage Areas).

Ang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan ay nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang mga pangarap ng mga naninirahan sa Sitio Trapal na magkakaroon ng disenteng bahay na matitirahan na may payapa at masayang buhay.

Nitong Oktubre 17, umaakyat ang mga pulis ng Sultan Kudarat PPO upang magsilbing tagagawa ng bahay para sa mga katutubong tribo.

At matapos ang apat na araw, naisakatuparan ng mga pulisya ang matagal na nilang mga pangarap ng magkaroon ng sariling bahay at personal itong dinaluhan ng Provincial Director na siya mismong nagturn-over sa sampung bahay na para sa Sitio Trapal na dinaluhan ng mga barangay kagawad at Pastor ng Southern Baptist Church.

Naisakatuparan ito dahil sa buong suporta ng Provincial Government of Sultan Kudarat Province kasama na din ang pagbibigay ng food packs, at ang mga kapulisan na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ay nagbigay din ng libreng tsinelas, kids food packs, balde, tabo at ang pagpapatayo ng Chritmas Tree. EVELYN GARCIA