LIBRENG PAG-AARAL SA OFWs

Congressman John Bertiz

MAGANDANG  ba­lita para sa mga overseas Filipino worker (OFW) dahil maari na silang  mag-aral nang libre sa ilalim ng technical vocational education and training (TVET) programs ng TESDA.

Pahayag ni ACT OFW Congressman John Bertiz, na nasa website ng TESDA, na ang returning OFWs ay maaring  mag-aral ng bagong kaalaman at ito ay libre.

Sinabi pa nito, na   tulong para sa mga kababayan ang Technical Education and Skills Development Authority at siguradong magagamit ng OFWs ang matututunan sa nasabing programa para sa kasalukuyang trabaho.

Kasama sa  vocational course na puwedeng kuhanin ng mga OFW at kanilang kamag-anak ay ang aircraft maintenance and technology, agricultural crops production, animal health care and management, animal production, animation and 3D animation, automotive servicing, bread and pastry production, computer systems servicing, cookery, dressmaking, electrical installation and maintenance, electronic products assembly and servicing, refrigeration and air-conditioning servicing at marami pang iba.

Tinatayang P3.9 bil­yon ang budget na ipinagkaloob ng gobyerno para sa proyekto.

Comments are closed.